Buhay Amerika Part 2

Almost twelve years na akong naninirahan dito sa States pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang dating mga gawi ko nung anjan pa ako sa Pinas. Sabi nga eh “hard habit to break.” There are so many things or traits na hindi maikakaila na isa akong Pinay. Sa tangos pa lang ng ilong ko (ehem!) eh walang duda na dugong Filipino ang nanalaytay sa mga ugat at kasu-kasuan ko. Oftentimes, napagkakamalan akong ibang lahi…either Japanese o Chinese. Medyo maputla kasi ang kulay ko (kulang lang to sa bilad sa araw!) at kung hindi ako magsasalita ng Tagalog, saka lang nila nalalaman na Pinay pala ako.

Isa sa requirements dito kung ikaw ay mag-aaral sa kolehiyo ay ang pagkuha ng ESL. Sa ESL na yan medyo nasaktan ang fried chicken ko. Aba! Graduate yata ako ng high school diyan (unibersidad pa!) at saka nasa college na rin ako bago pa man ako napadpad dito sa States. Shocking masyado para sa ‘kin kung ako ay kukuha pa ng ESL. Lintek na mga Amerikano ‘to! Kung anu-anong kaartehan ang naiisip! Ano nga ba ang ESL? English as a Second Language po bulong ng konsensiya komon ko.

Take it or leave it, kailangan talaga kumuha ng ESL class pero bago pa man yun, kailangan rin kumuha ng entrance exam. Although I passed my entrance exam with flying colors (naks! english yun ah!), I still have to take the ESL class. Sa madaling salita, nag-enrol ako sa ESL class.

Unang araw ng klase, gulat na gulat ako dahil hindi lang pala ako ang utal sa english. Meron Korean, Nigerian, Polish, Russian classmates ako. Tamang United Nations talaga ang klase at siyempre, excited ako dahil marami rin cute guys (nahahalata talaga!). Dahil sa baguhan pa lang nga ako dito sa lugar ni Uncle Sam, ugali ko na ang maging “snobbish.” Kaya one time na may nag-say “hello” sa akin eh muntik ko ng masigawan. I thought humihingi siya ng barya, yun pala eh nag-hello lang.

Naging kaibigan ko yung katabi ko na Korean. Unang tingin akala ko Chinese, yun pala eh Korean. One time, I was trying to make a conversation at dahil na rin sa wala akong maisip na sabihin, bigla ko siya natanong “Do you speak Mandarin or Cantonese?” “Are you from the mainland or Hong Kong?” Sagot nya: “I have never been to China or Hong Kong before. I am from South Korea.” Pahiya ako (beehhh!). Dahil na rin sa sobra ang fighting spirit ko, hala sige pa rin ang tanong ko. “Oh yeah, from South Korea, right?” Hmm, do you live near Pyongyang?” Hahahaha! Tang-inis! Nagulat sa akin pero dahil sa sobra rin pagka-polite niya, sinagot nya ako ng: “I am actually from Seoul. Pyongyang is way too far from Seoul and it is a very dangerous place”. Sa tuwing maalala ko ‘to eh napapangiwi ako sa sarili kong katangahan at kabobohan. At sa tuwing naalala ko ang pangalan nya lalo akong nasasagalpak sa tawa. Yan ang alaala namin ni Ho So…kung iyong babaligtarin ay SoHo (lol!)

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s