Buhay Amerika Part 3

I was so tired last night so I took the time to set my alarm clock @ 4:30 am. I hate waking up early in the morning but I have to because I gotta go to work. Anyway, nakakayamot kapag pagod na pagod ako then bigla na lang mag-alarm yung clock. Annoying. Kakahiga ko pa lang but I feel like I’ve been robbed out of my own time. Sobra short ng time for me. Natural lang sa ‘kin na once tumunog na yung alarm clock, it doesn’t necessarily mean that I have to get up. So yeah, kung ilang beses ko press yung “snooze” button ng clock. I think, naidlip ulit ako for like…ahmm…10 minutes. Ayoko ma-late sa work ‘coz I really don’t feel comfortable rushing in the morning. I don’t know how many times I got late for work but it’s not really my fault. Most of my friends are aware of the fact that I don’t drive. I can’t. I don’t really wanna learn how to drive even though I know that I need to drive. I guess, I am just a bit scared about driving. Na-phobia na yata ako k’se naaksidente na kami minsan and I can’t forget what happened. Maybe, pag wala na public transportation, I’ll drag myself out from my fear of driving and yeah, I’ll do it.

Maraming mga bagay na nami-miss ko sa Pinas. Wala rin kaming TFC dito sa bahay k’se naisip ko wala naman manonood ng TV. Sayang lang monthly payment kung kukuha pa ng TFC. Besides, walang tao lagi dito sa bahay. Nagkikita lang kami dito kapag day off. Very hectic lifestyle dito and I feel guilty about it sometimes k’se hindi na ko nakakasulat sa relatives & friends ko sa Pinas. I would rather talk to them on the phone, send text messages or email instead of writing via postal mail. Nakakainis k’se ang mail delivery system sa Pinas. Laging nawawala ang mail ko. It’s probably because nakatatak eh selyo ng U.S. Wala naman laman pera yung letter pero ang ibang government employee diyan ay cannot be trusted talaga.

In random order, ‘to ang mga namimiss ko sa Pinas:

1. Fishball/Isaw/Kikyam at Dugo (pagkain agad inuna *lol*). Ngayon ko lang na-realized na yung sauce na sawsawan ay nakalagay lang sa isang container. Kaya yung laway ko, at laway n’ya at laway ng iba pa ay nagco-combine. Ewan ko ba kung ba’t ang sarap ng laway…este…fishball.

2. Uniwide (tama ba spelling ko?). Circa ’92 tambay ako lagi sa may bandang Cubao and I really like hanging out there sa Uniwide. Mura lang k’se ang mga bilihin at siempre pa, maraming cute guys sa loob ng store. At siempre rin, magpapacute ako *nyehehhe*

3. Water Buffalo (kalabaw). Maraming memories sa kin ang kalabaw namin. May nakaraan k’se kami (oyyy!). Nung bata pa k’se ako mahilig akong sumakay sa kalabaw with my friends Monalisa and Hilda. Takot ako sumakay sa kalabaw na mag-isa lang so lagi ako may kasama. Nung bata rin ako eh talagang marami akong alaga. Alagang kuto sa ulo (hahaha!) kaya nga minsan pinapaliguan ng Tita ko ang buhok ko ng vinegar (may balak yatang gawin paksiw ang mga nakokolekta nya). Eniwey, naisipan namin na sumakay sa kalabaw namin at mamasyal (tamad ako maglakad, halata ba?). While we we’re riding on the back, bising-busy naman yung kaibigan ko sa paghahalukay sa ulo ko. Fetish nya dati yung kutohan ako. At that time, I didn’t know na meron pala sumpong yung kalabaw namin k’se preggy pala. Basta ang nalaman ko na lang biglang nawala yung nangungoto sa buhok ko at ang bilis na ng takbo ng kalabaw (with me on the back!). Stupid kalabaw, di ko naman sinasabi na tumakbo siya bigla na lang tumakbo. Yung friend ko, muntik na siya matusok ng sungay nung letseng kalabaw namin. I heard namatay na rin yung kalabaw na yun k’se nalaglag yata sa may ilog. Tragic masyado death nya. May she rest in peace.

4. SM Centerpoint. Ahh, ‘to yung tambayan namin nung college. Malapit lang Centerpoint sa PUP kaya pagkagaling sa school, punta agad sa Centerpoint. Teka nga muna, ba’t nga pala ang daming motel sa may Stop & Shop?

5. Jeepney. Mapili ako sa jeepney. Hindi ako sumasakay sa jeep lalo na kapag hindi “patok” style at walang blasting music sa loob. At saka, ehem…sanay ako mag 1-2-3. Namimiss ko yung pagwa-1-2-3 ko k’se di naman ako nahuhuli. Ang sama ko!

6. Baha sa may parteng Sampaloc at Marikina. Namimiss ko yung paglalakad ko sa baha. Basta miss ko lang yun. Don’t ask me why.

7. Tutuban (‘to ba yung shopping center?). Maraming cute goodies dun sa loob ng Tutuban mall.

8. LRT. May papuntang LRT na ba sa Marikina?

9. Traffic. Nakakamiss yung traffic sa Metro Manila. Inaabot ng 2 or 3 hours traffic. Pwedeng pwede na mangulangot ka ng walang humpay. Ubos na kulangot mo hindi pa rin umuusad yung sasakyan. At saka yung T-shirt mong puti, nagiging kulay khaki. Di na kailangan pa mag-dye.

10. Dunkin Donuts, Greenwich, Jollibee, Shakeys, Chowking atbp. I admit…I am a glutton. Sobra!

I could list a lot more but I’ll do it some other time. I think I am just gonna take a nap for awhile and post somethin’ later on.

Cheerio!

Advertisements

9 thoughts on “Buhay Amerika Part 3”

  1. Psst lika turuan kitang magdrive hehe..di rin ako gaano nagdadrive but I have a license! lol I drive when needed lang. Huwag mo lang tatabi ulo mo sakin habang tinuturuan kita..mahirap na..baka may natira pang kuto hihihihi joke..magbabaon ako ng datung puti! Meron akong di makalimutan sa Uniwide..yung jumbo hotdog nila na umiikot ikot..lam mo yun? Yung binebenta dun sa parang food court ata yun. Anyway, miss ko rin pinas! kita kits sa pinas? Let me know. =P

  2. napa-yuck daw ako sa sinabi mong halu-halong laway.. di ko nga naisip un.. di kasi ako nagsasawsaw.. pero kahit na kasi ung nagsawsaw, nag-iwan ng laway.. ung nilalagay sa akin may laway niya.. ano ba yan..

    naku.. magtropa ang mga ulo natin. noong bata pa rin ako ang dami kong kuto, kaya paborito ako ng pinsan ko kasi meron syang nakukukot sa ulo ko. Kaya suyod ang suklay ko noon, at ang shampoo ko.. ano ba ung shampoo sa commercial ni juday.. ung pangkuto.. di ko na tlga maalala. 🙂

  3. @carmz: aha! mahilig ka pala sa jumbo hotdog! another tidbit fact about u carmz! oyy ha, gusto ko rin yang jumbo hotdog na yan lalo na pag mainit-init pa…feel na feel ko yung kalakihan! mwehehee! batok self* lol!

  4. @Rhapsody: Next time na magkita-kita kuto natin, magpicnic tayo. Homecoming party. Problema ala na ko kuto ngayon, balakubak naman pumalit. Di bale, pwedeng gawin flour yung balakubak. Flour for chocolate cake…teka gusto mo ba chocolate cake? Trip ko magbake ng cake tapos lagyan natin kandila on top..sabay whisper (with wings)…welcome back kuto! 🙂

  5. @Rhapsody ulit: Bah, i forgot to mention yung shampoo na pangkuto. May kuto kaya si Juday? Kuto endorser pala tong Juday na to! Kunsintidor! Persona ingrata! Hahaha! Di ko pa na-try yung kuto shampoo pero alam ko ginamit ko ng shampoo yung mouthwash. Aba tita! Uber shiny & silky hair ko! Talo creamsilk, sunsilk at kung ano klaseng silk…

  6. tlga? mouthwas naku ayoko itry hahaah…
    ako din naglaho na mga kuto ko. lumipat na siguro sa ibang chikitings, nagsawa din sa ulo ko hahaha.. ngayon ko lang naisip, ung sinulat kong entry about surot.. di kaya revenge of the pest un hahahaha.. 😀

  7. Pingback: TB-Spider

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s